Una sa Balita

Soccsksargen kinasuhan ng game-fixing sa DOJ

0 406

PORMAL nang naghain ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) si Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Commissioner Kenneth Duremdes laban sa koponang SOCCSKSARGEN Marlins sa isyu ng game-fixing.

Matatandaang naglabas ng ­pahayag si MPBL owner Senator ­Manny Pacquiao na titiyakin niyang mapaparusahan at posibleng maalis sa liga ang mga mapapatunayang sangkot sa kontrobersiya.

Kasama ni Duremdes sa ­paghahain ng kaso sa DoJ ang ­abogado na si ­Brando Viernesto, nasa 21 ­personalidad ­kabilang ang mga ­manlalaro, head coach, 3 Chinese national at isang ­former Philippine Basketball ­Association (PBA) player.

Related Posts

Ito sina Mr. Sung, Kevin Espinosa, Kein, Emma, Sonny Uy, Serafin ­Matias, EJ Avila, Nino Dionisio, Ferdinand Melocoton, Nice Ilagan, Jake Diwa, Exequiel Biteng, Jerome Juanico, ­Matthew Bernabe, Julio Magbanua Jr., Abraham Santos, John Patrick Rabe, Ryan Regalado, Janus Lozada, Joshua Alcober at Ricky Morillo.

Agad din namang sinuspinde ang koponan at pinalitan na ang pangalan nito na ­Sarangani Province team na may 0-20 ­record sa Group B South Division. ­(Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy