Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sobre mukhang P1K bill binenta, tindera binitbit

0 191

Inaresto ng mga awtoridad ang isang babae sa Cavite na nagbebenta ng mga money envelope na ang disenyo ay tulad ng isang P1,000 bill.

Ayon sa isang ulat kahapon, dinakip ang vendor sa General Mariano Alvarez matapos makabili ang isang undercover agent ng 150 piraso ng naturang sobre na sa unang tingin ay nakatuping P1,000 na papel ang itsura.

Mga tauhan ng National Bureau of Investigation at Bangko Sentral ng Pilipinas ang nagkasa ng operasyon.

Depensa ng tindera, reseller lamang siya at hindi ang mismong gumagawa ng mga mukhang P1,000 na sobre.

Giit ng BSP, bawal gayahin ang disenyo ng mga pera ng bansa, at dapat itong ihingi ng permiso sa kanila kung nais man itong gawin.

Nahaharap sa mula lima hanggang 10 taong pagkakakulong ang mapatutunayang lalabag sa BSP circular. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.