Una sa Balita

Sobrang lost

By
0 60

Dear Mr. X,

Hi! Ako si ‘broken girl’ of Laguna. Di ko alam pano sisimulan kwento ko. Gusto ko lang may mapagsabihan kung ano talaga nangyayari saken. Walang makaintndi e. Si Papa saka si Mama parehong nasa abroad. Tatlo kaming magkakapatid, bunso ako. Dito ako ngayon sa Cavite. Pinaaalagaan sa mga Tiya ko kasi pasaway daw ako.

Siguro nga. Ay di siguro. Pasaway pala talaga ako. Alam nila Papa, 4th year nako next pasukan pero ang totoo, magse-second year pa lang. Eh pano nga nila malalaman nasa abroad sila pareho? Pano ko ginawa? Andali lang kaya. Scan and edit nung mga grades ng matitino kong classmates. Yun pinapadala ko. Lakas ng kita nila ha. Daming gumagawa nun sa school e.

Sila Kuya Onyo (junior ni Papa) saka si Ate Belle, mga wala namang pakelam. Si Kuya puro porma lang iniintindi, mga gadget nya saka girlfriends.

Si Ate naman, naku, pinaka-toxic sa lahat. Kumikita yun kila Mama tuwing magsusumbong tungkol saken. Basta may nakwento syang kalokohan ko, laging may package saka pera na dadating. Bibigyan nya lang kami ni Kuya, konte. Lahat sa kanya na. Palibhasa favorite ni Mama. Pero lage nya sinasabi, ako daw ang loves ni Papa sa lahat. Hindi rin kaya!

Madami akong secrets, Mr. X. Yung kung anong year nako now, hindi pa yan ang pinakamalaking secret ko. Although, shokot din talaga pano ko sasabihin. Kabog ako sigurado!

Talked about secrets, I just have my second abortion. Alam ko si Jake ang tatay nun pero sinasabi nya kase hindi raw sa kanya. Totoo rin na kase na kahit kame na nagkikita pa rin kami nung ex ko, si Carlo. Sayo ko lang sasabihin, mas masarap kasi si Carlo lalo kapag naka-shabu kame pareho. Magaling na magaling sya in bed. Match talaga kami! Ayaw lang magpatali ng gago kaya ayun ex ko na. Ang totoo, naging mas mainit kami ni Carlo nung boyfriend ko na si Jake.