Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sobrang lamya! Mga NBA player ngayon walang kwenta dumepensa – Kenyon Martin

0 252

Kung si Kenyon Martin ang tatanungin, hindi na siya sigurado kung kaya niya pang maglaro sa NBA ngayon.

Hindi dahil kumukupad o humihina na siya, kundi dahil tingin nito’y tapos na ang era ng mga enforcer sa liga — ang mga manlalaro na handang makipagbangasan ng mukha para hindi makaiskor ang kalaban.

“When I watch NBA games now and see some of the calls — and some of the non-calls that these guys complain about — I’m blown away. I always tell people, “I never could’ve played in this generation.”” ayon sa article ni Martin sa Basketball News.

Related Posts

“I never backed down from anyone and I played hard defense on every possession of every game,” aniya pa.

Saad pa ni Martin, mas bagay ang kanyang laro noong dekada 80s at 90s kung saan nakilala ang mga matitinding dumipensa tulad nina Gary Payton, Bill Laimbeer at Dennis Rodman.

“Now, a lot of these guys don’t seem to care very much on the defensive end. They see a certain guy coming toward the basket and they move out of the way,” saad pa ni Martin.

Naglaro si Martin para sa ilang koponan matapos maging 1st overall pick sa 2000 NBA Draft, at nakilala bilang starting power forward para sa Denver Nuggets. (Ray Mark Patriarca)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.