Una sa Balita

Sobrang higpit sa akin (2)

0 644

Dra. Margarita Holmes

Dear Dr. Holmes: (shor­tened July 3 letter)
Meron akong live in partner. Mahal n mahal nya ako kso dumating sa point na nasakal na ako ksi nawala mga kaibigan ko. Binago nya ako at narea­lize ko na hnd na ako ung dating ako.

Natatakot ako sa knya kapag galit sya. Nagsosorry sya kinabukasan.

Below the belt sya pag may alak pero pgkagising sa umaga magsosorry hnd na daw uulit. Pro ilang taon n kmi paulit2. Hnggng sa eto na nga ngsawa na ako at natakot ndin sakanya. Mahal na mhal ko sya dra. Ksi sobra sakin lng sya nakafocus at mahal na mahal nya ako. Tama paba na bumalik ako saknya at ipagpatuloy ung pagmamahal ko sknya? Steph

Dear Steph:
Maraming salamat sa sulat mo. Una, hangang-hanga ako sa iyo, na nasulat mo nang napakaklaro ang kasyasayan ninyo ng dating ka-live in partner mo. Sana basahin mo ito kapag natutukso (tempted) kang bumalik sa kaniya, dahil hindi tama ang buma­lik ka sa kaniya.

Hindi tama ang kaniyang pagtrato sa iyo, Steph. Alam ko, masarap ang mahalin ka ng isang lalaki na tila ikaw at ikaw lang ang minamahal. Pero hindi ito pag-ibig, Ito ay, gaya ng sinabi mo—pagsasakal. Dahil ang trato niya ay hindi bilang isang tao na nirerespeto, pero bilang isang pag-aari na nandun para sundin ang gusto niya.

Hindi ito pagmamahal. Steph, gaya ng lagi niyang sinasabi sa iyo. Ang pagmamahal ay hindi nananakot o nagmumura ng napakasakit na mga salita.

Balewala ang pag-sorry n’ya sa kinabukasan, lalo na dahil babalik nanaman sa mura, insulto at galit ang kaniyang gagawin pagkatapos ng ilang araw.

Ito ay emotional at verbal abuse. Hindi ka pa napagbuhatan ng kamay, pero ang kaniyang kilos ay minemensahe na susunod na mangyayari ‘yun.

‘Yan ang mga aksyon na nagbubugbog sa kanilang partner. At ang iyong mga damdamin? ‘Yan din ang mga damdamin—sobrang pagmamahal sa partner, sob­rang pangangailangang maniwala na mahal din sila, pero malaki rin ang takot mo. At may basehan ito.

Madalas nangyayari ang iyong pinaglalarawan—takot, humihingi ng tawad, minsan pa nga umiiyak—na mayroon nang pangalan para rito: sayaw ng karahasan.

Napakaswerte mo na iniwan mo siya, Steph. Para mong awa, ituloy mo ang iyong pagkasuwerte at huwag mo siyang balikan. Ingat lagi—MG Holmes
Si Dra Holmes at nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Margarita Holmes http://www.facebook.com/drmargieholmes. Panoorin din siya sa Walang Echos sa Abante Tonite Facebook.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy