Una sa Balita

Sobrang allowance ng OSG, pinasasauli

By
0 9

Nasa P8 milyon na sobrang allowance ang ipinasasauli ng Commission on Audit (COA) sa mga opisyal ng Office of the Solicitor General (OSG) kabilang na si SolGen Jose Calida na may isang taon pa lamang sa puwesto.

Kasabay nito, kinastigo ng COA ang kabiguan ng OSG lawyers na i-report sa Financial Management Services (FMS) ang mga honorarya na kanilang tinanggap sa kabila ng naging kautusan ng COA.

Batay sa ipinalabas na report ng COA, sobra nang 50% ang tinanggap na annual basic salary ng mga opisyal ng OSG na malinaw na paglabag sa Item 4 ng COA Circular No. 85-25.

Nabatid na umabot sa P1.123 milyon ang naging excess allowance ni Calida habang si dating SOLGEN Florin Hilbay ay P4.6 milyon at mahigit P2 milyon sa 8 pang opisyal ng OSG.