Una sa Balita

So todo ensayo

By
0 2,281

Puspusan ang ensayo ni super grandmaster Wesley So upang paghandaan ang pagdepensa sa kanyang titulo sa magaganap na 2018 Tata Steel  sa Wijk aan Zee, Netherlands.

Sa Sabado ang banatan, inaasahang mapapalaban si former Phi­lippine Chess Team star So dahilng muli niyang makakatapat ang reig­ning World Champion GM Magnus Carlsen ng Norway.
May 14-player at ipa­tutupad ang single round robin.

Bukod kina So at Carlsen ang ibang makakalaban nila ay sina former world champions GMs Vladimir Kramnik ng Russia at Viswanathan Anand ng India, GMs Sergey Karjakin ng Russia, Fabiano Caruana ng USA, Anish Giri ng Netherlands, Wei Yi ng China, Russian GM Maxim Matlakov, GM Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan, Peter Svidler ng Russia, Adhiban Baskaran ng India, Jones Gawain ng England at nag-iisang babae na si Yifan Hou ng China.