Una sa Balita

So nakisalo sa 2nd spot

0 291

NAKASIKSIK pa rin si super grandmaster Wesley So sa No. 2 spot matapos makipaghatian ng puntos kay GM Anish Giri ng Netherlands sa Round 3 ng 2019 Sinquefield Cup sa Saint Louis, USA, kahapon.

Nakalikom si So, 25 ng 1.5 points matapos ang 37 moves ng Queen’s Gambit, at bukod kay Giri, kasalo niya sa second place ang walo pang GM na
kinabibilangan ni reigning world champion Magnus Carlsen ng Norway.

Makakalaban ni Imus, Cavite native So si former WC GM Viswanathan Anand ng India sa Round 4.

Solo sa tuktok si Anand tangan ang dalawang puntos matapos makipaghatian ng puntos kay GM Levon Aronian ng Armenia.

Ang ibang 1.5 pointers ay sina Aronian, GMs Ma­xime Vachier-Lagrave ng France, Ding Liren ng China, Sergey Karjakin ng Russia, Shakhriyar Mamedyarov ng Azebaijan, Hikaru Nakamura at Fabiano Caruana ng USA. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy