Una sa Balita

So, Liren naghati sa 1 point

0 259

NAUWI lang sa draw game ang unang laro ni super Grandmaster Wesley So ng United States laban kay GM Ding Liren ng China Linggo ng hapon sa simula ng 2019 Sinquefield Cup sa Saint Louis, USA.

Umabot sa 40 moves ng Queen’s Gambit ang laban ni So, 25 kay world No. 3 player Liren upang maghati sila sa isang puntos sa Round 1.

Susunod na makakaharap ng Imus, Cavite native si GM Maxime Vachier-Lagrave ng France sa round 2.

May kalahating puntos din si Lagrave, tabla kay GM Levon Aronian ng Armenia.

Solo sa tuktok si former world champion GM Viswanathan Anand ng India tapos kalusin si GM Ian Nepomniachtchi ng Russia.

Draw rin ang laban ni reigning world champion GM Magnus Carlsen ng Norway kay GM Anish Giri ng Netherlands.

(Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy