Una sa Balita

So kontender pa, tabla kay Carlsen

0 164

PINILIT ni super Grandmaster Wesley So ng Estados Unidos na makuha ang panalo kay reigning World Champion Magnus Carlsen ng Norway, pero nauwi lang sa draw ang labanan sa 10th at penultimate round ng Grand Chess Tour 2019 sa Zagreb, Croatia.

Nakalikom si 25-year-old So ng 6.5 points tapos maki­paghatian ng puntos kay top seed Carlsen sa 36 moves ng Nimzo-Indian.

Mag-isa pa rin si Imus, Cavite native So sa second place sa event papasok ng 11th at final round habang solo sa unahan si Carlsen ta­ngan ang pitong puntos.

Kailangan ni So na manalo sa kanyang hu­ling laro kontra GM Levon Aronian ng Armenia at makatabla lang si Carlsen kay GM Ma­xime Vachier-Lagrave ng France at baka sakaling makopo nito ang titulo sa event na may 12-player single round robin.

Naging maingat sina former PH Chess Team star So at Carlsen sa pagsulong ng piyesa kaya halos walang mali ang bawat tira at nauwi sa draw ang laban.

Makakalaban ni So si Aronian na ang asawa ay isa ring magaling na chess player, si Fil-Australian Arianne Caoili na ipinanganak at minsang lumaro na rin para sa Pilipinas. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy