Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

So itinumba si GM Burke

0 56

NASUNGKIT din ni Super Grandmaster Wesley So ang mailap na panalo matapos kalusin si GM John Burke kahapon sa round 7 ng 2021 US Chess Championship na nilalaro over the board sa St. Louis Chess Club sa Missouri.

Nakapagtala si 27-year-old So ng 4.5 points matapos ang kanilang 34 moves ng Ruy Lopez nila ni Burke.

Dahil sa panalo, bumalik sa tuktok si Bacoor, Cavite native So kasalo sina GM Samuel Sevian at GM Aleksandr Lenderman.

Unang panalo ni defending champion So sa round 2 at naging mailap na ang panalo sa kanya sa event na may 12-player single round robin format.

Makakaharap ni So sa eighth round si GM Sam Shankland at kailangan niyang magtala muli ng panalo upang masolo ang top spot at manatiling malakas ang tsansa na maidepensa ang titulo.

May guaranteed prize na $194,000 ang nasabing event kung saan hahamigin ng magkakampeon ang $50,000, tatanggap ng $35,000 at $25,000 ang second at third placer, ayon sa pagkakasunod.

Makapagbubulsa rin ang fourth at fifth ng $20,000 at $15,000. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.