Una sa Balita

‘So dangerous!’ Solenn pumalag sa utos ng MMDA

0 1,201

abante-i-know-better-jun-nardoHindi pa nga tapos ang panawagan ni Solenn Heussaff tungkol sa tamang pagtapon ng mga basura, naglabas naman siya ng tweet tungkol sa plano ng MMDA na ipagbawal ang pagbiyahe sa EDSA nang mag-isa lang sa sasakyan.

“The one person car rule is so dangerous either the person driver will get mugged or person in the car can kidnap or abuse person to ride. SERIOUSLY!!!! What is happening here! Ugh!!!” tweet ni Solenn.

Nagbigay ang Kapuso artist ng suggestion na puwedeng gawin para mabawasan ang traffic.

“Proper transport. Add trains for MRT. Educate bus/jeepney drivers. Educate oon trash so nothing get clogged ETC!!!!”

Marian nag-donate ng P500K sa mga batang may bingot

Walang haba-habagat sa selebrasyon ng 34th birthday ni Marian Rivera nu’ng Linggo, Agosto 12 na ginanap sa Solaire Resorts & Casino.

Larawan ng kaligayahan ang GMA Primetime Queen sa litrato pinost niya sa kanyang Instagram kasama ang asawang si Dingdong Dantes at anak na si Zia.

“I am very grateful sa buhay ko ngayon at nagpapasa­lamat sa lahat ng naging parte nito. Masasabi kong happy talaga sa pagiging 34 ko dahil sa inyong lahat,” caption ni Yan.

Dagsa ang pagbati mula sa kaibigan niyang celebrity gaya nina Gabby Eigenmann, Sheena Halili,  Bianca Gonzales, Tim Yap, Rajo Laurel, Mike Tan, Eugene Domingo, Adrian Alandy, Ashley Rivera, Buboy Villar at fans niyang nagmamahal sa kanya mula sa Pinas pati na sa ibang bansa.

Bago ang kaarawan ni Yan, kasama niya ang mga batang may bingot na kanyang natulungang maibalik ang ngiti.

Nagbigay siya ng donasyon na P500K sa foundation nakasangga niya sa adbokasiyang ito.