Una sa Balita

Snoop Dogg hinarana si Leonard para sa Lakers

0 356

TINODO na ni rapper at long-time Lakers fan Snoop Dogg ang panunuyo kay NBA champion Kawhi ­Leonard para bumalik ito sa kanyang hometown.

Hinaranahan ni Snoop Dogg ang Finals MVP sa tono ng sikat na awit ni Michael Jackson na Human Nature.

Nag-post ito ng video sa kanyang Instagram (@SnoopDogg) para kumbinsihin si Leonard kung saan pinalitan pa nito ang lyrics nang “Kawhi, Kawhi, tell me that you’ll be a Laker, Kawhi, Kawhi, come back to LA, They said Kawhi, Kawhi, tell me that you’ll be a Laker, Kawhi, Kawhi, come back to LA, Don’t do Drake that way, Kawhi, Kawhi, you should sign back with the Lakers.”

Hindi ito ang unang beses na tila nililigawan ni Snoop Dogg si Leonard dahil nang mag-guest ito sa “Jimmy Kimmel Live” nitong Hunyo, sinabi niyang nais nitong mapunta sina ­Leonard at Anthony Davis sa L.A. Lakers.

Sa ngayon, wala pang anunsyo si Leonard kung mananatili ba siya sa Toronto o tatalon sa Lakers. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy