Una sa Balita

Snooky tuloy sa pagpapagamot ng sakit sa utak

0 1,410

abante-anything-goes-jun-lalinAlam mo Dondon, sobrang saya ni Snooky Serna after ng biglaan niyang pocket press interview para i-announce ang tungkol sa Magpakailanman episode niya na mamayang gabi na mapapanood sa GMA 7.

Noong una kasi, medyo may kaba siya kung paanong tatanggapin ng mga tao, lalo na ng entertainment press, ang pagkakaroon niya ng ‘mental challenge’ na ang iba ay sinasabing mental disorder.

Pero habang ini-interview nga raw siya ng entertainment press, ramdam niya ‘yung concern natin sa kanya, kaya naman siya, naging very comfortable.

Si Manay Lolit Solis nga, tuwang-tuwa nang makatsikahan si Snooky.

“Seven years old pa lang kasi si Snooky, nakilala ko na. Medyo close rin ako sa mommy niya, kay Mila Ocampo, at mababait sila,” sabi ni Manay Lolit.

Isa rin si Manay Lolit sa maraming nalungkot sa mga naging pagluluka-lukahan noon ni Snooky, pero ngayon ngang umamin na ang aktres kung anu-ano ang mga pinagdadaanan niya, isa rin ang nasabing talent manager sa lubos na nakakaunawa na sa aktres.

Sabi nga ni Manay Lolit, dapat lang na panoorin ang Ang Babae Sa Likod Ng Blusang Itim: The Ups And Downs Of Snooky Serna episode mamayang gabi ng Magpakailanman para lubos ding makilala ng lahat si Snooky.

“Saka bilib ako kay Snooky, ang lakas ng loob niya na aminin na may psychological problem siya. Hindi madali para sa isang artista na katulad niya ang ilahad sa Magpakailanman ang buhay niya,” sabi pa ni Manay Lolit.
Sa ngayon naman, medyo okey na si Snooky dahil may medicines siyang tine-take.

Pagdating naman sa financial, okey na rin si Snooky dahil sunud-sunod naman ang shows niya sa Kapuso network at nakakapag-ipon na rin siya.

The Clash 12 hindi pababayaan ng GMA

Mamayang gabi na ipapakilala sa The Clash ang 12 Grand Clashers at noong Wednesday, nagpa-sample na sila sa entertainment press ng galing nila sa pagkanta.

May isang kulang nga lang sa kanila nang humarap sa entertainment press dahil may sakit.

Ang gagaling ng 11 sa 12 Grand Clashers na kumanta at ang hirap pumili ng puwedeng maging big winner sa kanila, huh!

Parang napi-feel ko na nga kung paanong mahihirapan ang ­judges na sina Lani Misalucha, Christian Bautista at Ai-Ai delas Alas kung sino ang pipiliing grand winners sa kanila.

Maraming surprises na nangyayari sa The Clash tuwing Saturday at Sunday, kaya malay natin, baka pati ang host na si Regine Velasquez-Alcasid pala ay magkakaroon din ng say sa pinaka-finale night nila, ‘noh?!

Anyway, ang bongga nga pala ng 12 Grand Clashers dahil lahat pala sila ay aalagaan ng GMA 7. May balak na rin na musical show ang Kapuso network at baka malagay sila roon.

May regional shows din daw ang Siyete na puwede silang ilagay, kaya siguradong may pagkakakitaan na sila!

Pagdating naman daw sa prizes, basta maayos ang papers, madali naman nilang maibibigay ‘yon dahil never namang nagkaroon ng problema sa kanila ang mga sumali na sa kanilang mga pa-contest, huh!

Annabelle Rama maraming pasabog sa Abante

After ng first two episodes ng Anything Goes with Jun Lalin online show ko sa Abante News Online, inihahanda ko na ang third episode kung saan ay special guest ko si Annabelle Rama.

Nang magkatsikahan kami ng Gutierrez matriarch, sinabi ko sa kanya ang komento ng marami na dapat siya ang unang nag-guest sa aking online show, pero sabi ko, sobrang busy kasi niya at ayaw na rin naman niyang magge-guest.

“Pati nga si Tito Eddie (Gutierrez), sabi dapat ikaw ang una kong guest!” pampa-guilty ko sa kanya.

So, ayun, bigla, yes na raw, sasalang na siya sa Anything Goes online show ko, kaya naman excited na ako.
Ang mas nagustuhan ko, anything daw under the sun ay puwede kong itanong kay Bisaya, huh!

So, kayo ba, may gusto ring itanong sa nanay ni Ruffa Gutierrez?

Puwede ninyo akong i-email sa junlalin88@yahoo.com kung may mga gusto kayong malaman tungkol kay Bisaya at sa mga magagamit kong tanong, magwi-win pa kayo ng gift pack, ‘noh?!