Una sa Balita

Snooky pinaulanan ng malalaswang photo

0 679

Ang pagpapadala sa kanya ng mga obscene photo ng iba niyang mga follower ang dahilan ng pagpapahinga ni Snooky Serna sa Facebook. Ayaw na ayaw ng aktres ng mga ganoong kalaswaan.

Sabi ko sa kanya, i-block na lang ang mga ganu’n. Sayang kasi dahil sa October 9 na ang showing ng “Black Lipstick” movie kung saan ay major support siya kay Kyline Alcantara. Hindi na magagamit ni Snooky ang nasabing social media account niya para mai-promote ang pelikula.

Noong Sunday nga pala ang launch ng poster ng “Black Lipstick” at napansin ko na ang liit ng percentage ng billing nina Migo Adecer at Manolo Pedrosa compared sa pangalan ni Kyline.

Robin, Mariel hindi na naghahangad ng baby boy

Girl ang ipinagbubuntis ni Solenn Heussaff at ni-reveal na nila ng mister na si Nico Bolzico ang bagay na ‘yon. Kahapon ay ka-text ko si Solenn at tinanong kung ano ang naiisip nilang ipangalan sa kanyang ipinagbubuntis?

“We have a few but we don’t want to share,” sey niya.

Gusto muna nilang isikreto ‘yon para huwag gayahin.

Samantala, si Mariel Rodriguez naman ay buong ningning na nag-share na ng magiging pangalan ng isisilang niyang baby girl.

Masaya na raw sila ng mister na si Robin Padilla kahit baby girl ulit, at hindi na sila maghahabol ng baby boy.

‘Panti’, ‘Cuddle’, ‘Ellenya’ bakbakan sa PPP

Alam mo, Dondon, type na type ko ang trailer ng “Panti Sisters” nina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables kaya ‘yon ang una kong panonoorin sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019. Nakakaaliw!

Type ko rin ang “Cuddle Weather” nina Sue Ramirez at RK Bagatsing, pati ang “I’m Ellenya L” ng mag-ex na sina Maris Racal at Iñigo Pascual.

Mukhang magaganda naman ang iba pang entries, kaya kung may free time ako, type ko ring panoorin ang iba pa.

Ikaw, Dondon, may list ka na ba ng mga pelikulang gustong mapanood sa nasabing film festival?

Paalam, Sari Yap

Maraming friends sa showbiz si Ms. Sari Yap na founder ng Mega magazine at ipinagluluksa ng mga ito ang pagkamatay niya kahapon dahil sa sakit na cancer.

Isa sa mga naging malapit kay Sari ay ang actor/director na si Ricky Davao.

Naka-text ko si Ricky na nagsabing nalulungkot siya sa pagyao ni Sari.

To the family of Sari, our condolences.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy