Una sa Balita

Snooky malabo pang pakasal sa politiko

0 830

Naninibago si Snooky Serna sa role niyang maldita at matapob­re sa Kapuso series na “Sahaya.” Sanay kasi siya noong kabataan niya na siya ang binubugbog at sinasampal ng mga kontrabida.

“Pero ngayon, ako na nananampal, nambubugbog at nananabunot! Talagang salbahe!” pahayag ni Snooky sa mediacon ng series.

“At my age, parang nababagay yata na, I am not saying na walang depth ‘yung ganoong roles pero kontrabida is really something big challenge.

“Para sa akin nga­yon, at my age, mas bagay na magkontrabida. Multi-fa­ceted ang pagiging kontrabida eh. Mara­ming layers. Very challenging,” saad pa ng senior actress.

Eh, pagdating naman sa personal life, may plano na ba silang magpakasal ng boyfriend na politician, Ramon Villarama?

“No, no! Hindi pa kami pakakasal. Hindi na rin siya tumakbo dahil he’s too busy taking care of his businesses. He has a school, he’s the chairman of the school. Tapos may iba pa siyang negosyo,” tugon ng Cookie.

Four years na ang relas­yon nila ni Villarama pero 28 years muna silang na­ging magkaibigan bago nagkaroon ng relasyon. This time, gusto niyang maging pribado ang personal na buhay.

“Parang nadyi-jinx ‘pag open na open gaya kay Ricardo (Cepeda). Pero if you keep it mum, parang everything is smoother. I’m happy. Wala akong masabi sa aking relationship. 

I’m just thankful to God I am in this relationship that’s keeping me sound! Ha! Ha! Ha! And making me a better person,” diin ni Snooky.

Ayon pa kay Coo­kie, meron pa siyang inaayos tungkol sa kanyang relihiyon bilang Iglesia ni Cristo. Katoliko kasi si Ramon.

“But nagpapaakay naman siya. Iglesia ni Cristo kasi ako at si Vice Gov, I still call him that. Catholic siya.

“In all religious denominations naman siguro, kung ikaw ay naniniwala sa tinuro sa ‘yo, sa mga aral, siyempre, you would want to subscribe to it and not go against it.

“So ngayon, inaayos pa namin na sana maging one yoke kami. Kasi parang ‘yun ang nagiging hindrance kung meron man. If ever, siguro yun ‘yung we’re not of the same yoke. I will have a piece of mind if we will be equal yoke kami not only because ito ang tinuro sa amin but this is right and true,” paliwanag ni Snooky.

‘Pag naayos daw ‘yon at hihingin siyang pakasal, “Hindi naman ako tatanggi, friend! Ha! Ha! Ha!” deklara ng aktres.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy