Una sa Balita

Snooky kabado sa Paris trip dahil sa coronavirus

0 410

Wow, 40 years na pala ang Fantasporto Film Festival sa Porto, Portugal na nagsimula na kahapon, kaya naman big event talaga ‘yon at tatagal hanggang March 8.

Si Snooky Serna, umalis na kahapon ng umaga para sa nasabing filmfest, pero pupunta muna siya ng Paris, France.

Dahil uso nga ang coronavirus, naka-mask si Snooky nang sumakay sa Emirates Airlines flight na papunta sa Dubai (may stopover sila roon pa-Paris).

Siyempre, very health-conscious din si Snooky, kaya naman nag-mask talaga siya. Actually, marami siyang mask na dala dahil umabot na rin hanggang Europe ang coronavirus outbreak, huh!

So, asahan na during the Fantasporto Film Festival ay hindi na lang si Snooky at ang handler niyang si Freddy Blasco ang naka-mask, dahil karamihan sa mga a-attend doon ay magma-mask din.

Kasali nga pala sa nasabing filmfest ang In The Name Of The Mother movie ni Snooky na produced ng Heaven’s Best Entertainment ng magkakapatid na Herbert, Hero at Harlene Bautista.

Going back to Fantasporto Film Festival, heto ang konting press release tungkol doon;

“The city of Porto, overlooking the River Douro and close to the Atlantic Ocean, and a World Heritage City, welcomes once again one of the most prestigious film festivals in Europe and in the World.

Fantasporto, Porto International Film Festival celebrates its 40th Anniversary in 2020 and it will be held from February 28 to March 8 at the Rivoli Theatre, with the support of the Town City Hall.”

Ay, at least, bongga ang filmfest na a-attend-an ni Snooky, huh!

Lovi, Tony, Marco pang-award ang akting

Yes, sexy ang dating ni Lovi Poe sa Hindi Tayo Pwede at ng leading men niyang sina Tony Labrusca at Marco Gumabao, pero hindi maikakailang tatlo sila sa magagaling na artista natin, kaya expect lang na bongga ang drama scenes sa nasabing pelikula.

Siyempre, bukod sa kilala sa pagiging prime drama actress si Lovi, direktor din nila sa Hindi Tayo Pwede ng Viva Films si Joel Lamangan.

Siyempre, piniga talaga ni Direk Joel ang galing sa pagda-drama ni Lovi at nina Tony at Marco, ‘noh?!

May mga nakapanood na nga ng mga eksena nina Lovi, Tony at Marco sa Hindi Tayo Pwede at pwedeng-pwede raw na pang-award ang akting nila doon, huh!

Ang bongga!

Aariba na nga pala talaga sa trabaho si Lovi dahil magsisimula na ang new series niya sa Kapuso kasama si Benjamin Alves. Mukhang romantic-comedy ‘yon.

Naku, mukhang malabo na siyang makatakas pa-Los Angeles, California para makapiling ang boyfriend na si Montgomery Blencowe na isang Hollywood producer. For sure, si Mont na muna ang mapapadalas ang dalaw kay Lovi dito sa atin!

Diether Ocampo yummy pa rin sa mga bading

Noong isang araw ay nasa ABS-CBN compound si Diether Ocampo para sa promotions ng sexy digital movie nila ni Nathalie Hart na Sunday Night Fever sa iWant, ang digital streaming platform ng Kapamilya network.

In fairness to Diether, kahit obvious na nag-mature na ang hitsura niya (he’s in his 40’s), yummy pa rin naman ang dating niya. Mukhang pag-iinteresan pa rin naman siya ng mga kababaihan at mga kabadingan, huh!

Actually, in fairness to him and Nathalie, malakas daw ang viewer­ship ng Sunday Night Fever sa iWant. Ang bongga!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More