Una sa Balita

Snooky inilantad ang sakit sa ‘Magpakailanman’

0 1,096

abante-anything-goes-jun-lalinSi Snooky Serna naman, mukhang sa ngayon ay forever Kapuso na talaga! Sa katunayan, ipinagkatiwala ni Snooky ang life story niya sa Magpakailanman, ang drama anthology na ang host ay si Ms. Mel Tiangco.

Bukas nga ay ipapalabas na sa Magpakailanman ang Ang Babae Sa Likod Ng Blusang Itim: The Ups And Downs of Snooky Serna.

Wala raw itinago si Snooky sa episode na ito ng Magpakailanman at siguradong marami raw ang maaawa sa aktres dahil ibinuyangyang niya rito pati ang “episode” ng kanyang buhay na halos wala na siyang pera samantalang namayagpag siya noong 80’s sa bakuran ng Regal Films ni Mother Lily Monteverde, huh!

Pati nga raw si Gloria Diaz na gumanap bilang si Mila Ocampo (SLN) na nanay ni Snooky ay naiyak pagkabasa ng script dahil talaga namang very dramatic ang naging buhay ng noon ay tinaguriang Pagong Queen.

Sabi nga ng mga taga-Magpakailanman, “Unknown to many, behind her undeniable success and rosy lifestyle, a depressed and lonely Snooky was hi­ding. Her attitude started to change, her demeanors became problematic to others.

“Her behavior was misconstrued by the public, and by her colleagues.

“But there’s a valid medical reason that explains Snooky’s seeming unstableness.

“She was diagnosed with manic-depression that consequently destroyed her feeling of self-worth, which sadly triggered her to flee the marriage.

“Slowly, she started to lose everything that she has – her fame, her wealth, and even her ideal family.”

Panonoorin ko ang episode na ito ng Magpakailanman bukas dahil naging malapit din ako kay Snooky lalo na noong i-manage ni Annabelle Rama ang kanyang career at saksi ako sa maraming mga problemang pinagdaanan niya!

Yasmien luhaan sa wakas ng ‘HKKIK’

Today na magtatapos ang afternoon drama series nina Yasmien Kurdi at Mike Tan sa GMA 7, ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Aminado naman si Yasmien na parang hindi niya kayang iwan ang mga nakasama niya sa nasabing afternoon drama na consistent sa pagiging top-rater, pero talagang ganoon daw, kung may simula, may wakas.

Actually, sabi ni Yasmien, very thankful siya na na-extend nga ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka, pero alam naman daw niya na hindi naman ito puwedeng pahabain nang pahabain.

Magda-drag naman daw ang takbo ng istorya ng Hindi Ko Ka­yang Iwan Ka kung ie-extend na naman ito, kaya tanggap na raw nila na kailangan na nga itong tapusin.

Sa last few tapings nga nila, panay na ang pa-picture ni Yasmien kasama ang co-stars at staff ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka para may alaala raw siya sa mga ito.

“Madrama ang series namin, pero behind the cameras, ang saya namin. Magkakasundo ang lahat. Sobrang happy sa set ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka,” sey ni Yasmien.

Sabi nga ng aktres, sana raw ay magkatrabaho uli sila ng mga nakasama niya sa afternoon series na ‘yon!