Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

SNL-TV5 pang-world class: Catriona ‘kinakain’ ang salita

0 292

Kung meron mang dapat na ipagbunyi ang SNL (Sunday Noontime Live) ng TV 5 na umere last Sunday ay yun yung pagkakaroon nila ng bonggang reception at mas malawak na coverage.

Given na kasi yung katotohanang with Mr. M behind the show, everything about it is pang-world-class. Mula sa look, peg, stage, sounds, lights, backdrop, language, pati na nga voice over at iba pang naging tatak ng ASAP for more than two decades ay makikita sa SNL.

At hindi naman siyempre tayo binigo nina Piolo Pascual at Maja Salvador. Tatak-ABS-CBN ang husay nila though may mga antics and gestures si Papa P na kailangan siguro niyang bantayan.

Catriona Gray has a promise as a host and we want to see her polishing her Tagalog dahil may tendency siyang “kumain” ng mga salita kaya hindi maintindihan.

The younger ones in Jake Ejercito, Donny Pangilinan, Ricci Rivero and company also display great promise lalo pa’t very refreshing silang panoorin.

Sa kampo naman ng ASAP, grabe ang challenge ngayon sa show na higit sumabay in terms of technical requirements. Masakit sa mata ang reception ng Channel 11 at kung nasanay tayo sa mala-Hollywood na texture and glossy ng ABS-CBN reception noon, it could never be said now sa bago nilang tahanan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bukod pa nga diyan yung nasa double digit ang numero ng kanilang channel kaya kung magpapalit-palit ka ng TV channel, mapapagod ka. Stressful yun hahaha!

Kitang-kita naman sa AOS (All Out Sundays) ng GMA 7 ang kumpyansa na hindi sila takot sa kumpetisyon. Marami din silang mga bagong gimik at mga hosts and performers na equally good din. Kumbaga, happy na sila sa kanilang kaharian at naalagaan nila yun!

Billy, K, KC kulang sa rapport: Isabel Daza ‘kinalaban’ Eat Bulaga

Hindi namin alam kung hanggang kailan magpapalabas ng taped episodes ang newly-launched na Launch Out Loud (LOL) sa TV 5 pa din.

Ito nga ang bagong noontime show na nakikipagtapatan sa Eat Bulaga at It’s Showtime.

At dahil bagong-bago pa lang ito, hindi namin inaasahan ang 100% great rapport ng mga host nitong sina Billy Crawford, K Brosas, Wacky Kiray, KC Montero (parang miscast siya sa grupo), Mackoy Dubs at Bayani Agbayani. In-introduce as guest co-host si Isabel Daza, at nakita din namin si Ariel Rivera sa isang singing portion serving as the big boss sa “Kantrabaho” featuring celebrity artists.

Ang mahalaga sa ngayon, namimigay sila ng malalaking papremyo na madalas namang hinahanap din mga televiewers.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.