Una sa Balita

Snatcher timbog sa nakipaghabulang babae

By ,
0 3

Arestado ang isang menor de edad na lalaki matapos abutan nang ha­bulin ng babaeng kanyang biniktima kamakalawa ng gabi sa Sta. Mesa, Maynila.

Kinilala ni P/Supt. Olivia Sagaysay, station commander ng Manila Police District-Police Station 8, ang biktimang si Mary Jane Flordeliza, 26, Utility Staff, taga-Barangay-81, Barangka Itaas, Mandaluyong City. Arestado naman si Sherwin Lopez, 16, ng 3370 V. Mapa Ext., Sta. Mesa, Maynila, matapos mang-snatch ng cellphone ng biktima.

Alas-6:07 ng gabi, habang nakasakay si Flordeliza sa jeep na biyaheng Boni deretcho, bandang V. Mapa St. kanto ng Baltao St., Sta. Mesa, Maynila nang sumigaw ang suspek ng “Hoy” sabay hablot sa hawak niyang cellphone.

Agad namang bumaba ng jeep ang biktima at hinabol si Lopez. Napansin naman ng dalawang pulis si Flordeliza kaya agad tinanong at sinabi ngang na-snatch ang cellphone niya dahilan para tulungan ng mga pulis ang biktima sa paghahabol sa suspek, na sakto namang naabutan nila.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng MPD-PS 8 ang suspek para sa nakatakdang kaso laban sa kanya.