Una sa Balita

Snatcher buking sa pandurukot

By
0 239

BUKING ang ginawang pandurukot ng isang lalaki matapos mahuli ng isang security guard ang aktong pagbubukas nito ng bag ng biktima, kamakalawa nang hapon sa Madaluyong City.

Nakilala ang suspek na si John Paul Quirino y Perez, 23-anyos, residente ng 48 Dr. Pilar St., Brgy. Kapasigan, Pasig City at kasalukuyang nakakulong ngayon sa Mandaluyong detention cell sa kasong theft.

Batay sa report, naglalakad ang biktima na si DonDon Silva y Dimaculangan, 20-anyos, student at residente ng Brgy. Bawi, Padre Garcia Batangas, sa harap ng SM Megamall, sa EDSA bandang ala-1:40 kamakalawa nang hapon nang mapansin ng isang security guard ng nasabing mall na binubuksan ng suspek ang bag nito hanggang sa makuha ang cellphone at wallet ng biktima.

Agad na sinita ng sekyu na si Jay Omilig y Galan, 22-anyos, ng Red Eye Security Agency ang suspek at nabawi ang isang Huawei Y5 mobile phone na nagkakahalaga ng Php 6,000.00 at dinala ang suspek sa pulisya.