Una sa Balita

Snappy salute

0 463

Snappy Salute ako sa kumpare kong si executive chess player Col. Jaime Osit Santos sa magandang pamamalakad nya sa San Juan City bilang Chief of Police. Maayos niyang nagagampanan ang tungkulin nya sa lungsod, mabuhay kay Col. Jaime.

Para makaiwas sa paglaganap ng coronavirus disease 2019, patuloy ang libreng online chess tournament ng kumpare kong si International Master Joel Banawa, Owner/Managing Director ng Rising Phoenix Chess Academy.

Lahat ng mga chess player sa buong mundo ay nananatili sa kani-kanilang tahanan at abala sa paglahok sa Rising Phoenix International Chess Championship 2020 na online tournament sa chess website na “www.lichess.org”.

Nais kong i-congratulate ang isa sa future ng Philippine chess, ang sport wizard na si Jerome Angelo Aragones, 15, na nagkampeon kamakailan sa 1st PH National Bullet Championships sa chess website: chess.com.

Ito ang ika-3 titulo ni Aragones matapos magkampeon din sa Ederwin Estavillo birthday chess cup sa General Trias at ng BATCH-CEFAG Youth U-16 1950 Rapid Chess Championships sa Waltermart, Taytay, sa nakaraang buwan.

Nakakopo si Aragones ng gold at silver medals sa blitz event ng Eastern Asia Age Group Championships nitong nakaraang taon sa Thailand.

Nasa radar niya ang qualifying event sa Abril 11, 18, 25, Mayo 2,9, 16, 23 at 30, at sa Hunyo 6 ang grand finals ng Batch-Cefag na may P15,000 cash prize para sa grand finals champion. Ipapatupad ang time control three minutes “blitz chess” no increment or delay, play to finish via lichess.org. No berserk option at ang duration ay 90 minutes sa Arena tournament format.

Hindi ko man kilala ay hanga ako sa butihing mayor ng Gapan, Nueva Ecija na si Emerson D. Pascual. Biruin ninyo po sa kanyang ika-2 termino bilang alkalde, naipon ang sahod nya at dinagdag ang lahat ng sahod niya para makabili ng bigas. Ipinamahagi niya sa bawat pamilya ang tig-isang kaban, na may buhay na manok, baboy, gulay at itlog.

Saludo din ako kina national Paralympic chess team member Felix Aguilera, International Master Michael Concio Jr. at Cavite Sixth Dist. Rep. Luis Ferrer IV na tumutulong sa kapwa natin mga chess player at sa kanilang lugar.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More