Una sa Balita

Snap Dance, Royal Bell isnab sa mga dehadista

0 314

BAKBAKAN ang 10 batang kabayo sa magaganap na 3-Year-Old group Race Merge (6-7) ngayong araw sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite.

May distansyang 1,400 meters ang nasabing karera, posibleng sina Snap Dance at Royal Bell ang sisipatin ng mga liyamadista paglarga ng karera sa unang race sa ala-6:45 ng gabi.

Parehong class A riders ang rerenda kina Snap Dance (RO Niu Jr.) at Royal Bell (JA Guce) kaya malaki ang tsansa nilang manalo, pero para sa mga dehadista hindi nila pansin ang nabanggit na kabayo.

“May mga tago ang pruweba diyan, baka magulat sila dehado ang manalo,” nakangiting sabi ni Tristan Villanueva, matagal nang karerista.

Ang ibang kalahok ay sina Fever Act, Iikot Lang, Magtotobetsky, magkakamping Change The World at Will To Win at magka-kuwadrang Princess Arianna at Ariana Malia.

Samantala, tiyak na magandang laban din ang masisilayan sa Condition Race (18) pag-arangkada ng anim na kabayo sa 1,300-meter race.

Magtatagisan ng bilis sina Song For Tata, Humuhumunukunuku, Isa Pa Isa Pa, Awesome, Eugene’s Fairy at Titanium.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy