Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Smuggled yosi nasilat sa Basilan

0 43

NASABAT ng pinagsamang pwersa ng Naval Task Force (NTF) 61 at Naval Special Operations Unit (NAVSOU) 6 ang libu-libong kahon ng smuggled na sigarilyo sakay ng M/L AL Ayessa sa bahagi ng Pilas Island, Basilan.

Nahuli ito ng Miyerkules ng gabi, ayon sa Naval Forces Western Mindanao.

Idineploy ng Philippine Navy (PN) ang NTF61 at NAVSOU6 sa multi-purpose attack craft BA485 nang makakuha ng impormasyon ang Naval Intelligence and Security Group-Western Mindanao kaugnay sa smuggled na yosi.

Agad na sinakyan ng navy personnel ang target na vessel at saka ito in-escortan sa Ensign Majini Pier sa loob ng Naval Station Romulo Espaldon sa Zamboanga City para sa turn-over sa mga tamang ahensya.

(Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.