Una sa Balita

Smiling Lady inakbayan ni Zarate

0 207

IPINAKITA ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate ang kanyang tikas sa pagdala ng mga debanderang kabayo matapos akbayan sa panalo si Smiling Lady sa Condition Race category 19 kamakawala ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Kumaripas si Smiling Lady sa largahan at hinawakan nito ang bandera sa unang 200 metro ng karera.

Umabante muna ng halos tatlong kabayo pero dinikitan agad siya nina Sky Plus at Toscana.

Pagsapit ng far turn ay umigakas muli ang winning horse at umalagwo ito ng apat na kabayo papasok ng huling kurbada.

Sa rektahan ay beripikadong kuha na nila Smiling Lady at hinete nitong si Zarate ang panalo, tinawid nila ang meta na may anim na kabayo ang agwat sa nasegundong Fighter InThe Wind habang tumersero si Sky Plus.

“Maganda ‘yung salida namin kaya magaaan namin nakuha ang unahan,” hayag ni class A rider Zarate.

Nirehistro ni Smiling Lady ang 1:30 minuto sa 1,400-meter race. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy