Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

SMC-Ramon ang tularan sa ayuda – Sotto

0 507

Nais ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III na tularan ng Meralco ang San Miguel Corporation (SMC) na walang humpay sa mga ginagawa nitong pagtulong sa mamamayang Pilipino ngayong nahaharap sa pandemya ang bansa dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“Sana ganyan din ang thinking ng MERALCO!?” tweet ni Sotto.

Sa kabila aniya ng malaking pagkalugi sanhi ng krisis sa COVID-19, patuloy ang mga ginagawang ayuda ng SMC sa pamumuno ng president/chief operating officer Ramon S. Ang sa pagpapakain at pagsuporta sa mga nagugutom na Pinoy.

Umani ng mga reaksyon mula sa mga netizen ang sinabi ni Sotto at may nagsabi na parang sinasamantala pa diumano ng kompanya ni Manuel V. Pangilinan ang pandemya.

@jojobadillo: “Yung Meralco po ata Tito Sen parang nananamantala pa..”

Isa ang nagsumbong na siningil sila ng P2,800 sa electricity bill kahit walang nakatira sa isang bahay sa lugar nila sa loob ng anim na buwan.

@eirelav_0214: “Meron nga po dito samen tito sen @sotto_tito walang nakatira for 6mos.. pero may bill worth 2,800.. how was that even possible??? Naka frustrate pong isipin na hirap na po tau sa pandemic yet may ganyan.. subsidy sana @meralco hindi profit..”

Hiniling naman ng isa pang netizen na magsagawa ng imbestigasyon ang Senado hinggil sa mga isyu laban sa sistema ng paniningil ng Meralco ngayong may pandemya.

@AudetAileen: “Conduct an investigation Mr. Senate President!

Para sa SMC, naniniwala ang isang netizen na marami pang biyaya ang babalik sa kanilang kompanya dahil sa kabayanihang ginagawa para sa mga Pinoy.

@rwx755: “SMC’s goodwill will return a thousand folds. Truly, a patriotic Filipino corporation.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.