Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

SMC nagpamudmod ng 48K nutribun sa Pasig

0 95

Tinanggap ng Pasig City government ang 48,000 pack ng nutribun mula sa San Miguel Corporation (SMC).

“Salamat po San Miguel Corp sa 48,000 packs ng NUTRIBUN,” tweet ni Sotto nitong Miyerkoles.

Sabi pa ng alkalde, ipinamamahagi ito sa mga ospital, community kitchen para sa frontliner, centralized quarantine facility at barangay na nasa granular lockdown.

May inilaan din aniya para sa ilang lugar na madalas hindi naaabot ng tulong.

Ang nutribun ay tinapay na puno ng mga nutrisyon at dinisenyo ng United States Agency for International Development para matugunan ang malnutrisyon sa kabataan sa Pilipinas noong 1968 hanggang 1970.

Sa ilalim ito ng USAID Food for Peace program na nagwakas noong 1997.

Kinatuwa naman ng mga netizen ang tulong ng SMC sa mga nangangailangan ngayong pandemya. (Issa Santiago)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.