Una sa Balita

SMC nagbayad ng P314B sa PSALM

0 343

NAKAPAGBAYAD na ang San Miguel Corporation (SMC) sa pamamagitan ng kanilang power unit ng kabuuang P314.6 bilyon sa Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) as of January 2020 para sa pagpapatakbo ng 1200-MW Ilijan Power Plant sa Batangas.

Nilabas ng kompanya ang datos bilang sagot sa mga naglalabasang balita nitong mga nagdaang linggo na nanggaling umano sa PSALM at Makabayan bloc, kung saan kinakastigo ang utang umano ng kompanya sa gobyerno.

Itinanggi na ng Bayan Muna na nag­labas sila ng statement hinggil dito. Kinuwestiyon tuloy ng SMC ang motibo ng tunay na source ng news release.
Ang isyung ito ay inungkat din sa joint hearing sa Kongreso.

“For some reason, while our case with PSALM is still in court, this issue is being raised by parties that are devious enough to use and misrepresent the Makabayan bloc to advance their ulterior motives,” ayon kay SMC president Ramon S. Ang.

“It’s for this reason that we are releasing the latest figures of our continous and up-to-date payments to PSALM,” dagdag pa niya.

Ayon sa SMC, kabuuang P314.6 bilyon na ang binayad nila sa PSALM. Ito ay kinabibilangan ng P73.9 bilyon sa fixed monthly payment at P240.7 bilyon ng generation charges. Ang estimated balance na lang sa PSALM ay P77.6 bilyon na kinabibilangan ng P23.6 bilyon mula sa fixed monthly payment at P54 billion sa generation charges.

Noong 2012 ay sinimulan ng SMC power unit South Premiere Power Corp.

(SPPC) at PSALM ang diskus­yon sa interpretasyon ng mga ge­neration payment. Subalit noong Setyembre 2015 ay biglang pinutol ng PSALM ang Administrator Contract ng SPPC sa Ilijan. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More