Una sa Balita

SMC lagare sa produksyon ng alcohol

0 500

Itataas ng San Miguel Corp. ni Ramon S. Ang ang kakayanan nitong gumawa ng 70% ethyl alcohol sa 100,000 litro sa isang araw para matugunan ang pangangailangan ng mga frontliners sa iba’t ibang mga lungsod at lalawigan sa bansa na nakatutok para mapigil ang pagkalat ng coronavirus.

Sa isang pahayag, sinabi ni Ang na lahat na planta ng Ginebra San Miguel Inc. ay gumagawa na ng ethyl-alcohol ng 24/7 at patuloy itong nakikipag tulungan sa gobyerno at pribadong sektor para masolusyunan ang hinaharap na krisis ng bansa ngayon.

Kakakuha pa lang ng SMC ng basbas ng Food and Drug Administration at noong Huwebes (March 19) pa lang ito nag-umpisang magpadala ng alcohol sa mga ospital at checkpoints.

Sa ngayon, umaabot na sa 29,300 litro ng 70% ethyl alcohol ang binigay nito sa 77 ospital sa Metro Manila, sa Department of Health, crisis centers, at local government agencies.

Sabi ni Ang, sa ganito lang nila mapapasalamatan ang mga magigiting na doktor, nars, delivery workers, pulis, military, at mga manggagawa sa mahahalagang industriya.

Sa ngayon, karamihan sa ginagawang alcohol ay galing sa planta ng GSMI sa Cabuyao sa Laguna. Hinahanda na nito ang iba pa nitong mga planta sa Mandaue sa Cebu, sa Sta Barbara sa Pangasinan, Ligao sa Albay, Cauayan sa Isabela, at sa Destileria Bago sa Negros Occidental. (Eileen Mencias)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More