Una sa Balita

SMC itatayo ang 1st recycled plastic road sa ‘Pinas

0 603

Sa unang pagkakataon, magkakaroon ng mga lansangan sa bansa na yari sa mga recycled plastic materials.

Pamumunuan ito ng San Miguel Corporation (SMC) bilang bahagi ng kanilang mga programang naglalayong mabawasan ang epekto ng mga basurang plastic at mapangalagaan ang kapaligiran at likas na yaman para sa kapakanan ng mga mamamayan.

Ayon kay SMC president at Chief Operating Officer (COO) Ramon Ang, ang paglikha ng mga lansangang gawa sa mga recycled plastic ay bahagi ng kanilang inis­yatibo na mapanatili ang balanseng ekolohiya para sa tugmang kalikasan.
“Two years ago, we announced our major water sustainability project: to cut SMC water use by 50% by 2025. Recently, we reported that we beat our 2020 intermediate deadline of 20% reduction, by two years. Last year, we announced another initiative, and that is to address solid waste pollution. This pro­ject is part of that goal,” paliwanag ni Ang.

Ibinunyag ni Ang na nakiki­pag-ugnayan na ang SMC sa Dow Chemical, ang nangungunang materials science company sa mga materyal bilang alterna­tibo sa aspalto para sa mga gagawing lansangan.

Kaysa maging kalat na basura at ang tamang pagtatapon nito ay nababalewala kung kaya’t nagi­ging sanhi ito ng pagdumi ng kapaligiran, pagbara sa mga kanal, dagat at ilog na nagiging sanhi ng pagbaha at pagdumi ng tubig na nagdudulot ng iba’t ibang uri ng sakit, mas mainam aniyang i-recycle ang mga ito at gamiting materyales sa pagtatayo ng mga lansangan na maituturing pang “environment-friendly method”

“We can help our environment and at the same time improve the quality of our infrastructure pro­jects. We are eager to begin this initiative,” dagdag ni Ang.

Kabilang umano sa mga bentahe ng paggamit ng recycled plastics sa road surfacing ay magi­ging mas matatag at matibay ang mga lansangan, kontra sa dulas, mas matagal na gamit, mas mura at mababawasan ang mga plastic na dadalhin sa mga landfill.

Samantala, sinabi ni Ang na walang dapat ikabahala ang publiko sa kaligtasan ng mga gaga­wing plastic road dahil subok na ang reputasyon ng Dow pagda­ting sa nasabing sistema.

Nakagawa na aniya ang Dow ng mga proyektong ginamitan ng mga plastic materials na epektibong nagagamit ngayon sa India, Indonesia at Thailand.

Samantala, susubukan muna ng SMC ang nasabing teknolohiya sa mga maliliit na lansangan sa mga munisipalidad, mga bangketa at parking lot.

“While we are proud to be the first-mover in this area, we are very hopeful that we won’t be the last or the only ones. The research is there and available to everyone, and we’ll be glad to share our own processes and experience.
At the end of the day, this kind of innovation will benefit the same environment we all share,” dagdag ng SMC top brass.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy