Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

SMC airport prangkisa lusot na

0 144

Nakuha na ng San Miguel Corp. ni Ramon S. Ang ang 50-taong prangkisa para sa bagong international airport na itatayo nito sa Bulacan.

Ayon sa website ng Kongreso, Ang House Bill 7507 ay na- transmit na sa Malacanang noong November 18, 2020 at inaksyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong December 20, 2020.

Hindi malinaw kung pinirmahan itong batas pero ayon sa website ng Kongreso, nag-lapse na ito into law. Ibig sabihin, hindi kinontra ng Malacanang kaya naging batas nang hindi na kailangang pirmahan ni Pangulong Duterte.

Sa Kongreso, 218 ang bumoto sa pagbibigay ng prangkisa sa San Miguel Aerocity para sa gagawin nitong international airport sa Bulacan, anim ang kumontra, at dalawa ang nag-abstain.

Ang prangkisa ng SMC ay napapailalim sa batas Republic Act 11506 para sa 50 taon, kasama na ang 10 taon para gawin ang plano, disenyo at pagtatayo ng mismong airport.

Sa inaprubahan ng Kongreso, mababawi ang prangkisa kung hindi nito masimulan ang construction sa loob ng isang taon, kung hindi ito maging operational sa loob ng isang taon matapos aprubahan ng CAAP ang permiso nito at kung hindi ito patakbuhin ng diredirecho ng dalawang taon. Ito ay sinulong sa kongreso bilang House Bill 7507 na inaprubahan ng senado bilang Senate Bill 1823 na walang amendments sa panukala ng Kongreso. (Eileen Mencias)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.