Una sa Balita

SMB sasagasaan ni Guiao, NLEX

By
0 546

Standings W L
Phoenix 8 1
Rain or Shine 7 3
Alaska 3 2
TNT 4 3
San Miguel 4 3
Ginebra 3 3
Columbian Dyip 4 5
NorthPort 2 3
NLEX 2 4
Meralco 2 5
Blackwater 2 6
Magnolia 1 4

Mga laro ngayon: (Araneta Coliseum)
4:30pm — NorthPort vs Meralco
7:00pm — San Miguel vs NLEX

PANSAMANTALANG­ kakalimutan ni National coach Yeng Guiao ang Team Pilipinas at ang napipinto nitong pagsabak sa 2019 World Cup para magpokus sa NLEX na babanggain ang nagtatanggol na kampeong San Miguel Beer Biyer­nes ng sabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

“Pinaghandaan namin nang husto ang San Miguel Beer,” sabi ni Guiao, na umaasang maibibigay nito ang matagumpay na pagbabalik sa kanyang NLEX Road Warriors matapos bitbitin ang koponan ng Pilipinas sa ikalawa nitong sunod na pagsabak sa World Cup.

Gayunman, kaila­ngan ng Road Warriors ang pinakamagandang preparasyon sa pagsagupa sa powerhouse sa kasalukuyang PBA Philippine Cup champion na Beermen na nagpakitang gilas bago nagpahinga ang torneo upang magbigay daan sa huling window ng FIBA World Cup qualifier.

Sasagupain ng Road Warriors ang Beermen sa ganap na alas-7 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Umangat ang kartada ng Beermen sa 4-3 panalo-talo matapos magwagi sa kanilang huling dalalawang laro kontra sa Blackwater at Magnolia. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy