Una sa Balita

SMB palaban kahit walang June Mar

0 360

NABAWASAN ang ­angas ng San Miguel Beer nang mawala sa shin injury si prized center June Mar ­Fajardo.

Pero sa kabilang banda, mas lalo lang tumapang ang mga bataan ni coach Leo Austria para habulin ang pang-anim na sunod na Philippine Cup title sa ratsada ng PBA 45th season sa Marso 8 sa Smart Araneta ­Coliseum.

Mas determinado pa sila ngayon.

“There’s a lot of teams counting us out, but we’re here,” giit ni guard Chris Ross. “We’re working hard and we have enough talent to compete and win the championship.”

Hindi mababahag ang buntot ng Beermen, sasagupain nila ang hamon.

“Mas mahirap lang siguro ngayon dahil nga wala si June Mar,” pagtitimbang ni Arwind ­Santos.

“Pero ‘yun ang klase ng hamon na hindi ­namin aatrasan. Kumbaga, mas malaking challenge, mas masarap ang pakiramdam kapag na-overcome mo, ‘di ba?”

Para kay Fajardo ang kampanya ng Beermen sa 45th season.

Inabot ng right shin fracture sa ensayo noong nakaraang linggo ang five-time MVP, inaasahang magagarahe ng hanggang limang buwan.

Hindi pa nasusu­wertehan ng San Miguel na ­makabingwit ng panapal sa nabakanteng puwesto sa gitna. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More