Una sa Balita

SMB o Magnolia? Brownlee lampake

0 318

ALINMAN sa dalawang heavyweights na Magnolia o San Miguel Beer ang haharapin ng Gineb­ra sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup.

Naselyuhan ng defending champions ang No. 4 spot pagkatapos ng 127-123 overtime win sa Columbian Dyip nitong Linggo.

Pero kahit sino, handang harapin ni Justin Brownlee.

“It doesn’t matter who we play, we have to come out and give an A-plus performance if we want to win,” giit ng Best Import ng torneo noong isang taon.

Naglista si Brownlee ng bagong career-best na 50 points – 9 dito sa OT – mula sa 20 of 47 field goal shooting kontra Dyip. Mula sa 3-point range ay 4 for 12 si Brownlee, may sahog pang 14 rebounds, 5 assists, 4 steals at 4 blocks kontra isang turnover lang sa loob ng 50 ½ minutes.

Sinagasaan ni Stanley Pringle si Colombian import Lester Prosper 113-113 sa dulo ng regulation para puwersahin ang extra period. Mula roon ay nag-take charge na si Brownlee.

Tinalo ng Ginebra ang San Miguel at Magnolia sa eliminations – 110-107 overtime escape sa SMB noong June 16, at 102-81 rout sa Hotshots noong July 7. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy