Una sa Balita

SMB-Alaska Game 3 kanselado

By
0 1,318

SA ikalawang sunod na pagkakataon, kanselado ang laro ng PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Dahil sa walang tigil na pag-ulan ay iniusod ang dapat ay Game 3 ng semifinal series sa pagitan ng San Miguel Beer at Alaska.

Nagbaba ng Orange warning ang NDRRMC, posibleng magdulot ng baha ang patuloy na pag-ulan.

Ayon kay Commissioner Willie Marcial, ilalaro ang Game 3 sa Biyerens, July 20, ng alas-siyete ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo.

Lamang ang Beermen sa best-of-five series, 2-0.

Kanselado rin ang Game 2 ng hiwalay na serye sa pagitan ng Ginebra at Rain or Shine noong Martes.
Ngayong gabi sa Big Dome itutuloy ang laro.