Una sa Balita

SMB, 3 pa pasiklaban sa mini-tourney

0 395

MASUSUBOK ang kakaya­nan ng San Miguel Beer, NLEX, Phoenix Pulse at Alaska Milk Philippine Basketball Association (PBA) mini-tournament simula ngayong araw sa The Upper Deck, Pasig.

Ang tatlong araw na pocket tourna­ment na tatagal hanggang Pebrero 21 ang magsisilbing training camp ng apat na team para sa 45th season ng pro league na pasisimulan sa Philippine Cup sa darating na Marso 8 sa Smart Araneta Coliseum.

Nakatakdang matasahan mamaya ang salpukang Aces-Fuel Masters sa ganap na alas-10:00 nang umaga bago sundan ng giriang Beer-Road Warriors sa alas-12:00 nang tanghali.

Magsasagupa naman sa Peb. 19 ang SMB-Phoenix sa alas-10:00 nang umaga at NLEX kontra Alaska sa alas-12:00 nang tanghali.

Toka sa Peb. 21 ang NLEX-Phoenix sa unang laro at ang San Miguel-AM sa pangalawang laban.

Hindi na isinagawa ang mga laro sa mas malaking venue dahil na rin sa pangamba na makalanghap at makaha­wa ng kinatatakutan na coronavirus. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More