Una sa Balita

Smart traffic system itatayo para iwas sakuna

0 312

Upang maiwasan ang madugong mga aksidente sa mga kakalsadahan ay plano ni Mayor-elect Jerry Treñas na gumawa ng intelligent transport system o ITS para sa lunsod ng Iloilo.

Bunsod na rin ito sa mga nagdaang traffic accident sa lunsod kung saan noong nakaraang Sabado ay nahagip at nasawi ang ilang mga nagdya-jogging ng humaharurot na sports car sa Diversion Road kung saan ang mga biktima ay nagtamo ng mga matinding pinsala sa katawan.

Sa isang ulat, sinabi ni Treñas, ang outgoing­ Iloilo City lone district representative, na naiwasan sana ang nasabing madugong sakuna kung may mga safety measure sa lugar. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy