Una sa Balita

Smart Nationals inakay ni Romeo

By
0 1,727

Inakay ni Terrence ­Romeo ang Smart Nationals tungo sa 152-149 panalo kontra Luzon All-Stars Biyernes ng gabi sa Batangas City Coliseum.

Unang kalahati pa lamang ng laro ay nag-init agad ang TNT star sa pagkamada ng 26 tungo sa total 48 points kasahog ang 6 rebounds at 11 assists.

Ngunit kahit na lumaki hanggang 20 points ang kalamangan ng Smart, hindi pa rin sumuko ang Luzon at muli itong nakadikit ­dahil sa dalawang tres ni Arwind Santos, 1:22 pa sa orasan.

May pag-asa sanang maitabla ni L.A. Tenorio ang Luzon subalit kabyos ang tira nito ­kasabay ng buzzer.

Nagsalpak si Romeo ng pito sa 16 na tres para hiranging PBA ­Luzon All-Star Most Valuable Player.

Nahigitan ng 26-­anyos na si Romeo ang pinakamara­ming puntos sa All-Star na dating hawak nina Dylan Ababou at James Yap na parehong 44 points na naging co-MVPs noong 2012 PBA All-Star na ginanap sa Laoag, Ilocos Norte.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy