Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Smart, Celtics nagsisisihan: Rambulan sa locker room!

0 152

SUMABOG ang emosyon ni Boston Celtics guard Marcus Smart matapos ang pagkatalo ng mga ito sa Game 2 Eastern Conference finals kontra Miami Heat, 101-106, kahapon.

Ilang sandali sa pagwawakas ng laban, nagpakawala ng tirada si Smart sa loob ng locker room ng Celtics, ayon sa tweet ni Malika Andrews ng ESPN.

“Marcus Smart is screaming at someone in the Celtics locker room — or several people. The yelling continues as Smart exits the locker room, swearing,” tweet ng ESPN writer.

Nagbigay rin ng mas malalim pang detalye via tweet si Gary Washburn ng Boston Globe sa ‘pagsabog’ ni Smart.

“Marcus Smart is screaming in the #Celtics locker room and there is a bunch of arguing going on. Smart comes out say ‘y’all on that bullsh*t!’ Team is imploding. Smart is in bathroom and there is still screaming coming from locker room,” tweet ni Washburn.

Dagdag pa nito, “Smart wasn’t the only one yelling. There were definitely items thrown and a lot of yelling. #Celtics.”

Ayon pa sa kanyang post, hindi umano nagpaunlak ng panayam sa media ang 6-foot-3 guard.

Sa Game 2, kapos ang 14 points at tig-apat na rebounds at assist ni Smart sa halos 38 minutong nilaro nito. (JAT)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.