Una sa Balita

SM namahagi ng tulong sa mga empleyado,health worker

0 352

Tiniyak ng pamilya Sy na pangangalagaan nila ang kapakanan ng mga empleyado ng SM, pati na ang mga health worker sa kinakaharap na krisis na sanhi ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa isang statement, binanggit ni Hans Sy na siyang kumakatawan sa pamilya Sy, na ang mga empleyado ng SM ay makakatanggap ng kanilang karampatang sahod sa panahon ng enhanced community quarantine mula noong Marso 17 hanggang Abril 12, 2020.

Hindi rin, aniya, mababawasan ang kanilang vacation at sick leave.

Binanggit pa ng kompanya na ang mga rank and file empleyado hanggang department managers na patuloy na nagtatrabaho sa mga bukas na tindahan sa lugar na apektado ng quarantine at sa mga bumubuo ng skeletal force na mahalaga o “crucial” sa pagpapatakbo ng negosyo, ay bibigyan ng karampatang premium pay.

Matatandaan nagbigay na rin ng tulong ang SM sa mga kawani ng mga kompanyang patuloy na nagseserbisyo sa SM katulad ng mga security guard at janitor. May pahatid tulong din ito sa mga promodizers.

“Sa panahon ng pagsubok na ating kinakaharap, kailangan nating pahalagahan ang ating frontliners at ibigay ang kanilang pangangailangan upang maprotektahan sila at ang kanilang pamilya, nang patuloy silang makapagsilbi sa ating komunidad,” pahayag ni Hans Sy, chairman ng SM Prime Holdings.

Ang SM Group ay naglaan din ng P100M tulong para sa protective equipment, testing kits at disinfectant para sa mga health workers.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More