Una sa Balita

Slovenian lawmaker nag-resign dahil sa ninakaw na sandwich

0 314

NAGBITIW sa tungkulin ang isang mambabatas sa Slovenia dahil sa pagnanakaw ng sandwich sa supermarket.

Hindi umano binayaran ni Darij Krajcic, mi­yembro ng Marjan Sarec List party, ang sandwich dahil sa pagkainis nito sa staff ng supermarket na hindi siya pinansin.

Halos tatlong minuto nang nakatayo ang opis­yal sa counter pero hindi umano ito pinansin ng empleyado at sa halip ay itinuloy lamang ang pakikipag-usap sa kasamahan.

Sa paliwanag ni Krajcic, bumalik ito sa supermarket para bayaran ang kinuhang sandwich, kasabay nito humingi pa ng paumanhin ang opisyal at nag-resign sa parliament.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy