Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Slot sa Gilas agawan – Ryan

0 504

Bago pumasok sa Calambubble ang anim na pros, naipaliwanag na sa kanila ni Gilas Pilipinas project director Tab Baldwin na hindi pa sigurado ang puwesto sa final cut na isasabak sa third window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa February.

Ibig sabihin ay makikipagbalyahan din sa ibang cadets sina Kiefer Ravena, CJ Perez, Justin Chua, RR Pogoy, Troy Rosario at first-timer Raul Soyud para makasiguro sa final 12.

“They really have to fight for it, they have to make sure that they are worthy of the slot given to them,” pahayag ni SBP special assistant to the president Ryan Gregorio. “Talagang labanan pa rin ‘yan.”

Sa Power & Play vodcast ni Noli Eala, sinabi pa ni Gregorio na hindi lang ang best players ng bansa ang hinahanap nina Baldwin at staff niyang sina Jong Uichico, Boyet Fernandez, Sandy Arespacochaga, Caloy Garcia, Norman Black at strength and conditioning coach Andrei Tolentino. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.