Una sa Balita

SLEX luluwag na sa Disyembre 1

0 459

GAGAAN na ang daloy ng trapik sa South Luzon Expressway simula sa December 1 sa pagbubukas ng 3rd lane sa Skyway at-grade level at ng pagbubukas ng bagong 2 lane ramp na kokonekta sa Alabang viaduct sa Skyway.

Sabi ni San Miguel Corp. president and COO Ramon S. Ang, limang lanes ang magagamit ng mga northbound na sasakyan sa SLEX sa rush hour kahit na full blast pa rin ang construction sa Skyway Extension project.

“Motorists will be able to use the original three lanes at the at-grade section, plus 2 more lanes at the elevated section,” sabi ni Ang.

Ayon sa SMC, naging posible ito dahil ni-reconfigure ng kompanya ang unang bahagi ng elevated skyway galing Alabang-Zapote road para maging 3 lane.

Tinanggal ang mga barrier sa gitna kaya’t nadagadagan ang dating 2 lanes. Ngayon, depende sa bigat ng traffic, may 1 o 2 lanes na available na sa mga sasakyang manggagaling sa Alabang-Zapote road. Sa gabi ‘pag mas mabigat na ang southbound traffic, maaring gamitin ang dalawang lanes o lahat ng lanes para sa mga southbound na sasakyan.

At dahil magkakaroon na ng bagong rampa sa elevated section, hindi na masyadong maapektuhan ang northbound traffic na manggagaling sa Alabang-Zapote Road.

Sabi ng SMC, ang mga preparasyong ito ay para sa construction ng P10 bilyong Skyway Extension na paabutin na ang Skyway na hanggang Alabang lang ngayon sa Muntinlupa-Cavite Expressway o MCX na inaasahang matapos sa December 2020.

“With the December 1 openings on track, SMC is delivering on its promise to reopen the third lane of the at-grade Skyway before the holiday rush, and improve Alabang traffic by adding new lanes,” sabi ng kompanya.

Babala pa rin ni Ang, baka magkaaberya pa rin sa umpisa habang nasa panahon pa ng adjustment.

“But as with anything new, we expect a period of adjustment for motorists. This may still cause some congestion in the beginning, especially with the sheer volume of vehicles on the SLEX everyday.

But we expect the traffic situation to improve quickly once we open,” sabi ni Ang. (Eileen Mencias)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More