Una sa Balita

Slaughter parang ibong ‘malaya’

0 473

MARTES ng hapon ay nag-post si Greg Slaughter ng photo niya sa Instagram na nagshu-shooting sa isang gym.

Kasama niya roon si dating Ginebra teammate Chris Ellis.

“Living the dream,” caption ni Gregzilla sa kanyang post.

Hindi binanggit ng 7-footer kung saan siya nagwo-workout, nilagyan lang ng #IsolatedGym.

Nag-comment si Ellis ng ‘fire’ emojis.

Nakasuot si Slaughter ng puting No. 10 Kobe Bryant jersey mula sa Team USA.

Ganito rin ang get-up ni Slaughter, pati ni Ellis na naka-blue shirt at black shorts, sa pinost niyang photos habang nagwo-workout noong March 13.

Hindi lang malaman kung magkaiba o parehong araw kuha ang photos.

Kung hindi sarado ang mga gym, one-one-one lang ang workouts dahil sa isolation bunga ng coronavirus. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More