Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Slaughter, NorthPort buhay pa sa playoffs

0 50

Ipinamalas ni Greg Slaughter ang all-around game, kasama ang pagbutata sa endgame kay Gabe Norwood para kargahin ang NorthPort sa 91-88 overtime win kontra Rain or Shine sa 46th Philippine Basketball Association 2021 Philippine Cup elims sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga LInggo ng hapon.

Halos nasa katulad na sitwasyon sa kanilang masaklap na huling pagkatalong laro, sinupal ni Slaughter ang tangkang tres ni Norwood para sa potensiyal na second extra period at masiguro l ng Batang Pier ang fifth victory sa 10 games, na nanatiling buhay sa quarterfinals.

Related Posts

Kinumpleto rin ng 33-year-old, seven-footer center ang pagkakapili sa kanya bilang Best Player of the Game sa likod ng team high 25 points, 11 rebounds, at 6 blocks para hilain ang pasok na sa playoffs na RoS na bumagsak sa 6-5.

Si Slaughter din ang nagdala sa extra period nang isalpak ang lay up sa 1:46 ng regulation play, 80-all. Hindi na nakaiskor ang magkabilang panig mula rito. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.