Una sa Balita

Slaughter, Newsome alagwa sa BPC race

By
0 11

Maaaring mawala si June Mar Fajardo sa konsiderasyon pero nandiyan pa rin ang isang higante na puwedeng mag-uwi ng Best Player of the Confe­rence award ng PBA Go­vernors’ Cup.

Isa sa pagitan nina Ginebra center Greg Slaughter at Meralco guard Chris Newsome ang inaasahang tatawagin para tanggapin ang plake mamayang gabi bago ang Game 2 ng finals series sa Smart Araneta Coliseum.

Kung mananatiling Best Import si Allen Durham ng Bolts o masasalya siya ni Justin Brownlee ng Kings ay isa pang katanungang masasagot.

Pero mas naka-focus ang lahat sa kung sino ang pinakamagaling na local player sa season-ending tournament na ang mana­nalo ay awtomatikong masasama sa mga pagpipi­lian ng season MVP kasama sina Philippine Cup BPC Fajardo at kanyang ka­tapat sa Commissioner’s Cup na si Chris Ross.

Dahil sa pangunguna sa statistics, kasali dapat si Fajardo sa konsiderasyon, pero malaking dagok sa kanya ang hindi man lamang paglampas ng San Miguel Beer sa quarterfinals. 

Maging si Jayson Castro ng TNT, winner noong isang taon at No. 2 sa stats, ay nabawasan ng ma­laki ang tsansa matapos malag­lag sa Ginebra ang KaTropa.

Doon natira sina Slaughter at Newsome bilang nangungunang mga kandidato kasama ang isa pang Ginebra player na si LA Tenorio.