Una sa Balita

Slaughter naghangad ng malaking sahod sa Ginebra­

0 543

SUWELDO nga kaya ang isa sa dahilan ng pagbitaw ni Greg Slaughter sa Gineb­ra?

Pagkatapos ng anim na taon, Rookie of the Year award at apat na kampeonato sa team na nag-draft sa kanya bilang top pick overall noong 2013, nang-ayaw ang Fil-Am giant.

Nag-expire ang kontrata ni Slaughter sa Gin Kings pagkatapos bawiin ng crowd favorites ang korona ng Governors Cup nitong nakaraang buwan.

Hindi pa siya nagre-renew, binasag ng 7-foot center ang balita na didistansiya muna siya sa basketball.

May lumulutang na nagdesisyon si Slaughter na mag-break muna sa paglalaro dahil hindi siya nakakuha ng mas mataas na sahod.

Ang isa pa ay hindi raw napagbigyan ang no-trade clause sa kanyang bagong kontrata. May negosasyon na pala sa bagong deal?

Wala pang makuhang reaksiyon mula sa Ginebra hinggil sa alegasyon.

Nagbanggit ng ilang pangalan si Slaughter sa organi­sasyon na pinasalamatan niya.

“Thank you first and foremost to SMC and Boss RSA (Ramon S. Ang), and the rest of the management, Coach Tim and coaching staff, my teammates and the entire Ginebra community,” ani Slaughter sa kanyang Instagram post.

“To the best fans in the world – I can’t thank you enough for all the support you have shown me throughout the years. I will forever be grateful!”

Tinapos niya ang post sa #NSD. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More