Una sa Balita

Slaughter, makakalaro na sa FIBA bilang local player

LUSOT!

By
0 631

MAKUKUMPLETO na ang final 12-man roster ni coach Yeng Guiao na isasabak sa second round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Nabawasan ng problema ang Samahang Basketbol ng Pilipinas at si Guiao nang magbigay ng exemption ang FIBA para pa­laruin bilang local si Greg Slaughter.

Nakabitin ang final lineup habang hindi pa nagdedesisyon ang world governing body ng basketball kung palalaruin ang 7-foot big man bilang naturalized player o local.

Isang naturalized playe­r lang ang pinapayagan na maglaro sa national teams sa mga FIBA competitions, kaya nalagay sa alanganin kung sino kina Slaughter at Christian Standhardinger ang gaga­mitin bilang naturalized. May Stanley Pringle pa na pinagpilian.

Tinanguan ng FIBA na local player si Slaughter, toss-up na kina Standhardinger at Pringle bilang naturalized.

“I just found out FIBA has approved my eligibi­lity as a local! Couldn’t be happier about this, thank you SBP and FIBA for paving the way. I’m loo­king forward to beginning a wonderful journey with the national team.

Para sa ba­yan!” tweet agad ni Slaughter@GWillSlaughter) pagkatanggap ng ba­lita.

Mas malamang na si Standhardinger ang gami­tin ni Guiao bilang naturalized sa Iran sa Setyembre 13, dahil out sa shin injury ang kakampi ng Fil-German sa San Miguel na si slot man June Mar Fajardo.

Sa Setyembre 17 ay iho-host ng Team Pilipinas ang Qatar sa isang closed-door game sa Smart Ara­neta Coliseum.

“After a thorough review of the documentation provided by your Fede­ration, please be informed that FIBA herewith exceptionally authorize the Player Gregory William SLAUGHTER to play for the Philippines national team without restriction in accordance with article 3-21.b of the FIBA Internal Regulations,” bahagi ng desisyon ng FIBA na ipi­nadala kay SBP executive director Sonny Barrios.

Sa rules ng FIBA, kailangan bago mag-16 years old ay nakakuha na ang isang player ng passport ng bansang paglalaruan para masabing local.

Nagkaroon si Slaughter ng Philippine passport pagkatapos ng 16th birthday niya noong Hunyo 30, 2005, pero binigyang konsideras­yon ng FIBA na sa Pilipinas na siya nanirahan mula edad 19 noong 2007, nag-aral na rito at naglalaro sa nakalipas na 11 taon. (Vladi Eduarte)