Una sa Balita

Slaughter gustong lumiksi, nagpapayat

0 262

Big deal ang pagbabawas ng timbang ni Greg Slaughter.

Ngayon ay may pang­habol na ang Ginebra sa mga big men na natatapat at itinatapat sa kanya.

Dati ay may kabagalan si Slaughter, mabigat ang nakalista niyang 258-pound weight sa 7-foot frame.

Sineryoso ng Gregzilla ang pagbabawas ng timbang, nakatulong pa ang maagang exit ng Gin Kings sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup para mag-diet.
April 10 nang masipa sa quarters ang Gins, ilang araw na pahinga ay sumabak na sa pagpapakondisyon si Slaughter.

Dinibdib din ang workout, at pagkatapos ng isang buwan ay lumabas na ang resulta.

“Twenty-five pounds in a month,” pag-amin ng 31-anyos na top pick ng Ginebra noong 2013. “Was able to have some time off to work on my body a little bit and get in better shape.”

Kita na ang mobility ni Slaughter sa unang salang ng two-time defending champions sa Commissioner’s Cup, inalat lang ang Ginebra nang maubusan sa overtime 108-107 kontra Blackwater. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy