Una sa Balita

Slaughter bomalabs makabalik

By
0 1,618

Laro ngayon:
(MOA Arena)
7:00 p.m. — Ginebra vs San Miguel

MUKHANG matatagalan pa bago makabalik si Greg Slaughter sa aksyon at wala pang kasiguraduhan kung makakapaglaro sa PBA Philippine Cup best-of-7 semifinals Game 4 ngayong alas-7:00 ng gabi sa MOA Arena, ­Pasay City.

Kahit na si Tim Cone ay duda pa rin na makakaya ng 7-footer niyang manlalaro na makapag­laro pa sa serye lalo na’t halos nasa kalagitnaan na ito dahil nagtamo ng sprain sa kaliwang bukong-bukong sa kanilang ensayo.

Araw-araw ang check-up at sumasailalim sa therapy ang higante ng Gins para lang mabilis gumaling at makabalik na sa laro.

“We’re trying to get him back in, but ­nothing’s working so far. He’s still got swelling and pain in his foot,” sabi ng Gin Kings coach matapos makuha ang panalo sa Game 3 noong Martes, 95-87, sa MOA.

“Team staff are ­doing everything for Slaughter’s injury to heal, including having a battery of trainers work on him everyday while undergoing therapy 24 hours a day,” hirit pa ni Cone.

Kaya naman nga­yon, blangko pa rin ang Gin Kings kung kailan makakabalik si Slaughter dahil na rin sa laki at bigat nito kaya’t lalo silang nahihirapan na mapa­galing ang iniinda niya.

“It’s different for a seven-footer and a 280-pound guy, unlike me at 5-foot-10 and 180 pounds. It’s a lot different for him than us,” ani Cone. “There’s just so much weight that goes on to that ligament and it’s really hard to heal than it is for smaller guys.”